Home HOME BANNER STORY PAGASA: Walang bagyo, mainit at maalinsangan na panahon asahan ngayong linggo

PAGASA: Walang bagyo, mainit at maalinsangan na panahon asahan ngayong linggo

154
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mananatiling walang bagyo sa bansa ngayong linggo, ngunit inaasahan ang mainit at maalinsangang panahon na may mga pulo-pulong pag-ulan tuwing hapon o gabi.

Ayon kay weather specialist Veronica Torres, patuloy na makaaapekto ang easterlies o mainit na hanging mula sa Pacific Ocean hanggang Lunes, Abril 20, na magdadala ng generally fair weather ngunit mas mataas na temperatura sa araw.

Bagama’t maaliwalas ang panahon, posibleng magkaroon ng localized thunderstorms sa hapon o gabi, lalo na sa mga inland areas.

Sa Northern Luzon, mas mababa ang tsansa ng ulan dahil sa ridge of high pressure na nagdudulot ng maayos na panahon.

Mula Martes hanggang Miyerkules (Abril 21–22), magpapatuloy ang easterlies na magdadala ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms.

Ganito rin ang inaasahang panahon mula Huwebes hanggang Biyernes (Abril 23–24), ngunit maaaring mas mataas ang tsansa ng ulan sa silangang bahagi ng bansa.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang Severe Tropical Storm Sinlaku ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility at hindi inaasahang makaapekto sa bansa. Matatagpuan ito sa layong humigit-kumulang 2,770 kilometro silangan-hilagang-silangan ng extreme Northern Luzon at kumikilos palayo sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here