MANILA, Philippines – GINAGALANG ng Malakanyang ang resulta ng inilabas na survey ng Pulse Asia, araw ng Sabado, Disyembre 21, kung saan bumaba ang trust at approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“True leadership always carries with it the burden to pursue courses of action which are right but may not be popular,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
“Public interest is the sole driver behind every executive decision, not the pursuit of high ratings in the next opinion polls. High popularity ratings are the bonus and not the bedrock of effective public service,” aniya pa rin sabay sabing “We respect the statement that surveys are dipstick readings of the well of the public opinion.”
Naniniwala ang Malakanyang na ang ‘governance scorecard’ ay hindi dapat limitado lamang sa halalan.
“To consider surveys as the sole indicator is to take our focus away from the more important metrics, like employment, that reliably measure our progress as a nation,” ang sinabi ni Bersamin.
Makikita naman aniya sa mga aksyon ng Pangulo na nananatili silang nakatuon sa mahahalagang misyon na iangat ang buhay ng mga mamamayang filipino, palaguin ang ekonomiya at tiyakin ang kinabukasan.
Sa ulat, bumaba ang rating sa ilang mga Pinoy nina Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte, batay sa inilabas na survey ng Pulse Asia noong Sabado, Disyembre 21, 2024.
Ayon sa nasabing survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, kapuwa bumaba ang trust at approval ratings ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Sa datos para kay Pangulong Marcos, bahagyang bumaba ang kanyang approval ratings na mula 50% noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 48%, gayundin ang kaniyang trust ratings na 47%.
Nasa 12% naman ang ibinaba ng trust ratings ni VP Sara kung saan mula 615 noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 49%.
Ipinakita rin ng nasabing survey na mula naman sa Classes ABC, halos tumabla ang approval at disapproval ratings ng Pangulo (39% at 32%) gayundin ang magkadikit na datos ng kaniyang trust at distrust ratings na (40% ay 36%) mula sa nasabing social classes.
Habang nakakuha naman 80% na approval at 81% trust ratings si VP Sara mula sa Mindanao.
Samantala, nakakuha naman ng 53% approval ratings (mas mababa ng 7% sa naunang survey) at 51% trust ratings (mas mababa ng 5%) si Senate President Chiz Escudero. Nasa 44% naman ang nakuhang trust at approval ratings ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Pulse Asia, isinagawa ang face-to-face interview na nilahukan ng 2,400 katao mula edad 18 taong gulang patas, kung saan mayroon itong ± 2 percent error margin at 95% confidence level. Kris Jose