Home METRO Pagbabakuna sa BARMM palalakasin ng DOH

Pagbabakuna sa BARMM palalakasin ng DOH

182
0

MANILA, Philippines – Pinalakas pa ng Department of Health ang measles vaccination efforts sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pangalawa sila sa may pinakamataas na kaso sa buong bansa lalo na’t tumaas ng 32% ang kaso kumpara noong nakaraang taon.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Dr. Albert Domingo na 5,123 kaso ng tigas ang naitala sa buong bansa hanggang noong Disyembre 27 mula sa 3,880 kaso noong nakaraang taon.

Ayon kay Domingo ,pinakamataas ang Metro Manila sa ma may kaso, sunod ang BARMM at Calabarzon, kaya kailangan ng focused interventions sa high-risk areas.

Samantala hindi naman maapektuhan ng Ramadan ang pagpapalakas ng vaccination campaign sa BARMM na layong maprotektahan ang mga bata bago ang pagsisimula ng nasabing aktibidad.

Patuloy din ang routine immunization para sa mga newborns at infants sa BARMM health facilities kahit walang special measles -Rubella campaigns.

Sinabi rin ni Domingo na walang koneksyon ang pagtaas ng kaso ng tigas sa tinatawag na ‘Super flu’ ,isang variant ng Influenza A na hindi naman nakakapagdulot ng severe respiratory infections.

Hinihikayat ng DOH ang mga magulang sa BARMM na siguraduhin ang kumpletong bakuna ng kanilang mga anak dahil nakakahawa ang tigas pero maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagbabakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here