Home ENTERTAINMENT Pagbabalik-GMA ni Arci, ninenega!

Pagbabalik-GMA ni Arci, ninenega!

Manila, Philippines – Hindi pa man ay kinakitaan na agad ng kawalan ng interes ang mga netizens na abangan ang comeback vehicle ni Arci Muñoz sa GMA.

Nanggaling ang anunsyo mula kay Atty. Anette Gozon-Valdes.

Balik-Kapuso na uli ang aktres.

‘Yun nga lang, Valdes’ announcement was not met with positive reactions.

Ayon sa mga netizens, tutal naman daw ay support lang si Arci sa lalabasang teleserye sa GMA, she might as well refuse to turn it down.

Eh, kahit naman daw noong nasa GMA ang aktres ay hindi siya “naramdaman” so bakit bibigyan uli ng project?

Besides, nagkataon lang na walang offer ang kabilang istasyon.

Pero for sure, once may offer kay Arci ay mas nababagay siya sa kabila.

Unfair ito kay Arci na dine-deprive nila ng trabaho, considering na mahusay pa naman siya.

At bakit naman tatalima ang GMA just because ayaw nilang mapasama ito sa aabangang teleserye ng network?

Pag nagsimula nang umere ‘yon saka nila i-bash si Arci!

In the meantime, isantabi muna ang nega! Ronnie Carrasco IIi