Home ENTERTAINMENT Vico, ipinakilalang susunod na presidente ng Pilipinas!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Vico, ipinakilalang susunod na presidente ng Pilipinas!March 29, 2025 17:24 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Nitong March 28, Biyernes ang simula ng 45-day campaign period para sa mga kumakandidato sa lokal na puwesto.Over in Pasig City, hindi nga mahulugang karayom ang mga dumagsa sa campaign rally ng reelectionist sa pagka-mayor na si Vico Sotto.Kung papalarin uli, this is going to be Vico’s second mayoral term.Si Vico ay ang kaisa-isang anak ni Bossing Vic kay Coney Reyes.Sa gitna ng Pasig campaign rally, mainit na tinanggap ng mga PasigueƱo ang team ni Vico.Naglaan ng oras ang ama niyang siBossing na ikinasaya ng mga constituents.Una’y nagbiro pa ang Eat Bulaga host patungkol sa anak kung kanino nagmana.“Eh, ‘di sa nanay!” kambyo ni Bossing.Pero ang napakalakas na tilian na sinamahan ng masigabong palakpakan ay ang paraan ng pagpapakilala ni Bossing sa anak.Aniya: “Ito na po ang susunod na magiging presidente ng bansa!”Base sa reaksyon ng mga tao roon ay hiyawan ang naging pagsang-ayon nila.Sa kasalukuyan, 35 anyos pa lang si Vico.Ayon sa Konstitusyon, kailangang 40 anyos ang sinumang maghahangad tumakbo bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.Pero ano ba naman ang limang taong paghihintay?Sa totoo lang, marami na ang nagpapakita ng kanilang suporta if ever sa presidential ambition ni Vico! Ronnie Carrasco III