Home HOME BANNER STORY Pagbabalik ng articles of impeachment insulto sa Kamara – solon

Pagbabalik ng articles of impeachment insulto sa Kamara – solon

148
0

MANILA, Philippines – Itinuturing na insulto sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang pagpapabalik ng Senado sa Articles of Impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang diin ni Naga Rep. Gabriel Bordado na isang malaking insulto sa mga kongresista ang naging aksyon ng Senate Impeachment Court dahil pinag-isipan at nasunod aniya ng Kamara ang impeachment rules bago pa man ito iniakyat sa Senado.

Si Bordado ang nag-endorso sa ikatlong impeachment complaint na tinanggap ni House Secretary-General Reginald Velasco.

“After the verbal gymnastic, I was expecting that they would really tackle the (article of impeachment) in the impechment trial but at the last part of the session ni-remand nila iyong case na ipinasok ng House of Representatives. Nakaka-insulto po ito,” sinabi ni Bordado sa isang ambush interview sa Kamara.

Si Senador Allan Peter Cayetano ay naghain ng dalawang mosyon na una ay nag-aatas ng pagbabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara at ang pangalawa ay sa 20th Congress na ituloy ang impeachment trial.

Ito ay matapos kwestyunin ni Cayetano kung may iregularidad ba sa aksyon ng mga kongresista na ang tatlong inihaing impeachment ay pinag-isa at ang nabuong pang-apat na article of impeachment ang siyang iniakyat sa Senado.

Sa mosyon ni Cayetano ay 12 ang pumabor at lima lamang ang tumutol. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here