Home ENTERTAINMENT Pagbabalik ni Angel sa Kapuso, gawa-gawa lang!

Pagbabalik ni Angel sa Kapuso, gawa-gawa lang!

Manila, Philippines – Dapat sigurong mas maging on the lookout ang GMA sa mga gawa-gawang teaser na kumakalat sa social media.

People behind the proliferation of these made-up teasers can be confusing.

Pinalalabas kasi ng mga ito na galing ang mga teaser na ‘yon officially from the Kapuso network.

Isa rito ay obyus na tumutukoy kay Angel Locsin.

Sa mga nakasubaybay sa career ni Angel, bago siya lumipat sa ABS-CBN ay Kapuso star muna siya.

May kumakalat na teaser na: “Ang muling pagbabalik ng nag-isang diyosa sa GMA, abangan! Malapit na!”

Who else could it be kundi si Angel?

Pero hirit naman ng ibang netizens, kung “diyosa” ang paglalarawan ay posibleng si Anne Curtis ‘yon.

Dahil napapanood na sa GMA ang It’s Showtime, isn’t Anne back on her former home?

Pero ipinagpipilitan pa rin ng mga netizens na si Angel ang tinutukoy sa teaser lalo’t inilabas nito ang Mulawin, ang fantaserye noon ng aktres with Richard Guteierrez.

Still, inabisuhan ang mga netizens na huwag munang ma-excite sa pagbabalik-telebisyon ni Angel maliban na lang kung mismong siya na ang magbalita.

As it obviously appears now, kung sa social media nga’y pahinga si Angel, sa TV pa kaya?

In short, huwag padadala sa mga mapanlinlang na kumakalat na teaser! Ronnie Carrasco III