MANILA, Philippines — Pansamantala lamang ang pagbagal sa 2.3% ng paglago ng ekonomiya noong ikalawang quarter ng 2026 at inaasahang babawi ito sa second half ng taon sa pagpapabilis ng government spending at pagpapalabas ng budget, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na bahagyang nagkulang sa inaasahan ang pinakabagong gross domestic product figure na iniulat ng Philippine Statistics Authority nitong Biyernes, Agosto 7, ngunit hindi umano ito sumasalamin sa pangmatagalang direksyon ng ekonomiya.
Iniugnay ni Castro ang pagbagal sa epekto ng krisis sa Middle East sa inflation, fuel prices, employment at remittances, gayundin sa pansamantalang paghina ng public construction habang pinaiigting ng administrasyon ang anti-corruption campaign, partikular laban sa mga maanomalyang flood control projects.
“This slowdown is only temporary,” ayon kay Castro. “As the government continues to speed up spending and release budgets more quickly, we hope the economy can start to pick up in the second half of the year as well.”
Ayon sa Palace official, lumago na ng 8.3% ang government spending habang inuuna ng administrasyon ang ayuda sa mga pamilyang higit na apektado ng pagtaas ng presyo.
“In the second half of 2026, the government will push measures to accelerate economic growth by fast-tracking high-impact infrastructure projects, maintaining price stability, and sustaining targeted assistance for vulnerable sectors,” ani Castro.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng UPLIFT assistance program para masakop ang 7.5 milyong pamilya, P12-per-liter fuel subsidy program, at Bawat Bayan Makikinabang Rice Program.
Sinabi rin ni Castro na pinapalawak ng pamahalaan ang exports at pinahuhusay ang competitiveness ng bansa upang makinabang ang Pilipinas sa global artificial intelligence at digital economy boom, kabilang ang pagiging miyembro nito sa Pax Silica coalition.
Tinukoy din niya ang mga hakbang na inendorso ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para suportahan ang middle class at palakasin ang domestic consumption, kabilang ang panukalang itaas sa P350,000 ang personal income tax exemption threshold.
Kabilang pa sa priority measures ang pag-amiyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang ipagbawal sa distribution utilities at electric cooperatives ang pagpasa sa consumers ng system loss charges at kaukulang value-added tax, Sariling Kuryente Act, minimum corporate income tax exemption para sa maliliit na negosyo, general tax amnesty, at abolisyon ng travel tax.
Sa kabila ng mahinang GDP performance, itinuro ni Castro ang ilang positibong economic indicators, kabilang ang 12.2% paglago ng exports bunsod ng malakas na global demand para sa electronics, semiconductors, AI-related products at agricultural goods.
Lumago rin ng 2.7% ang agrikultura habang tumaas ng 12.6% ang travel exports. Nakapagtala naman ang merchandise exports ng double-digit growth sa ikalimang sunod na quarter, habang lumawak ng 2.6% ang manufacturing.
“Although consumer confidence is still low, businesses are starting to improve,” ani Castro.
“Manufacturing activity continues to expand, supported by strong global demand for technology products and the expected recovery of infrastructure spending,” dagdag niya. Kris Jose