MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang pagkakaapruba sa ikalawang pagdinig sa Senate Bill No. 70, na hindi pagbabayarin ang mahihina at homeless individuals sa paglalagak ng eviction bonds habang inaapela ang kanilang ejectment cases.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero, pangunahing sponsor bilang chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement, na palalakasin ang proteksiyong legal sa mga vulnerable families na humaharap sa eviction sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Section 28 ng Urban Development and Housing Act of 1992.
“Magandang hakbang ito para sa ating mga kababayan. Ibig sabihin po nito, dahil sa ating isinulong na amendment, hindi mawawalan ng pagkakataong umapela ang mahihirap nating kababayan kahit wala silang kakayahang magbayad ng bond,” ayon kay Escudero.
Nakatakda sa batas ang supersedeas bond bilang isang bayarin na hinihingi ng korte upang mapigilan ang pagpapatupad ng eviction order habang nakaapela ang kaso na pangkaraniwang pabigat sa indigent families.
“Eviction or demolition as a practice shall be discouraged. Eviction or demolition, however, may be allowed when there is a court order for eviction, provided that no supersedeas bond shall be required of underprivileged and homeless citizens to perfect an appeal,” ayon sa beteranong mambabatas.
Sa plenaryo, inihain ni Escudero ang amendments na ipinanukala ni Senador Erwin Tulfo na kaagad pinagtibay ng Kapulungan bago tumungo ang panukala sa ikatlong pagbasa.
“To prevent potential abuse of the law, however, indigent appellants must submit proof of indigency and homelessness within the appeal period, supported by a social case study report prepared by the city or municipal social welfare office,” ayon sa panukalang amendments.
“Following the approval of the amendment, the Senate closed the period of individual and committee amendments, clearing the path for the bill’s third and final reading,” ayon pa kay Escudero.