MANILA, Philippines – Nanawagan sa mga online shopping platform ang isang advocacy group na nagsusulong ng sound chemicals at waste management na itigil ang pagbebenta ng ipinagbabawal na mercury-added skin-lightening products.
Sa kanilang news release , sinabi ng BAN Toxics na ang Lazada at Shoppe ay inilalagay angkalusugan ng publiko sa panganib sa pagpapatuloy ng pagbebenta ng toxic beauty products.
Nauna nang nagsagawa ang grupo ng online market monitoring at bumili ng 50 skin-lightening beauty products.
Ang mga produkto na sinuri at 44 sa mga ito ang positibo sa mercury na umaabot ang level na 7 parts per million.
Nasa 25 produkto na nasuri ay may umiiral na public helath advisory na inisyu ng Food and Drug Administration mula 2013 hanggang 2024, babala laban sa kanilang pagbebenta at paggamit dahil sa mercury content.
Naglabas ang FDA ng abiso na inuulit ang paggamit ng substandadrd at posibleng pinekeng produkto na maaring magdulot ng adverse reactions kabilang ngunit hindi limitado sa skin irritation, pamngangati, anaphylactic shock at organ failure.
Nanawagan ang BAN Toxics sa Department of Trade and Industry (DTI) at ang FDA upang magpatawag ng multi-stakeholder conference para tugunan ang isyu ng mga mapanlinlang at nakakapinslaang [rodukto sa mga online shopping market. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)