LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines- Sinimulan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang inspeksyon nito sa isang public market sa bayan ng Matnog sa Sorsogon mayapos mag-viral sa social media ang larawan ng mga ibinebentang pating at pagi noong nakaraang linggo.
Pinaalalahanan ng BFAR nitong Martes ang publiko na ang whitetip reef sharks ilan pang species ng pating ay protektado sa ilalim ng isang international convention at mga batas ng Pilipinas.
Makikita sa ilang larawan na naka-post sa social media na limang coral catsharks (Atelomycterus marmoratus) at dalawang whitetip reef sharks (Triaenodon obesus) ang ibinebenta sa isang pampublikong pamilihan kasama ang sea rays.
Hanggang nitong Miyerkules, nakakuha na ang post ng 11,000 reactions, 1,086 comments at mahigit 3,800 shares sa Facebook.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na sa lokal na pamahalaan ng Matnog at nagsagawa ng information campaign sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (Cites).
“The coral catshark is not listed under the Cites but its capture and trade are covered by other applicable regulations,” ayon sa BFAR.
Samantala, ipinagbabawal ang panghuhuli, posesyon, transportasyon, at pagbebenta whitetip reef sharks sa ilalim ng Appendix II ng Cites at maaaring magmulta ng P300,000 hanggang P3 milyon ang lalabag, batay sa ahensya.
Nag-abiso ang BFAR sa publiko na ilang shark species ang protektado sa ilalim ng Cites “to [prevent] overexploitation and [ensure] the sustainability of marine ecosystems.”
Pinoprotektahan din ng Republic Act No. 10654, o ang amendments sa Philippine Fisheries Code of 1998, ang mga pating at manta rays laban sa “illegal, unreported and unregulated fishing of endangered, threatened or vulnerable species.”
“This legislation underscores the government’s commitment to preserving marine biodiversity, especially species that play vital roles in maintaining ecological balance,” giit ng BFAR. RNT/SA