Home HOME BANNER STORY Pagbibigay ng travel authority isang araw bago bumyahe karaniwang nangyayari – Recto

Pagbibigay ng travel authority isang araw bago bumyahe karaniwang nangyayari – Recto

86
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Acting Executive Secretary Ralph Recto na ‘walang kakaiba’ sa pagbibigay ng travel authority isang araw bago pa ang aktuwal na pagbyahe ng isang opisyal ng gobyerno.

Hiningan kasi si Recto ng komento ukol sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang travel request ay ‘last minute’ na inaprubahan.

Sinabi pa ni VP Sara na nagbago na ang kanyang travel plans at magpapadala na lamang siya ng bagong request sa Office of the President (OP), tinukoy ang last-minute na pagpapalabas sa kanyang travel authority.

”Sa dami ng mga travel authority, nangyayari talaga ‘yan na a day before nailalabas natin,” ani Recto.

Nauna rito, pinayagan ng Malakanyang na bumiyahe sa labas ng bansa si VP Sara simula Abril 23 hanggang Mayo 16, 2026.

Sa katunayan, nakasaad sa travel authority na tinintahan ni Recto, may petsang Abril 22, 2026, pinahihintulutan ng Malakanyang na bumiyahe siya (VP Sara) sa mga bansang Netherlands, Republic of Korea, Belgium, Germany at the United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland sa Abril 23 hanggang Mayo 16, 2026, habang naka-leave of absence at walang gastos sa gobyerno.

Kaugnay nito, nagbago naman ng kanyang planong biyahe abroad si VP Sara dahil umano sa last-minute travel authority na inilabas ng Office of the President.

Sa isang statement, sinabi ni VP Sara na dahil sa walang kasiguraduhan kung papayagan siyang umalis ng bansa ay hindi na matutuloy ang naunang request.

Samantala, mariing itinanggi ng Malakanyang na inaprubahan ang request ni VP Sara ng ‘last minute.’ KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here