Home NATIONWIDE Pagcor kumita ng P112B noong 2024

Pagcor kumita ng P112B noong 2024

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng state-run Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang record revenues na P112 bilyon noong 2024, mas mataas ng 41 porsyento mula sa nakaraang taon, bugso ng malakas na performance ng electronic games sector.

Sinabi ni Alejandro H. Tengco, Pagcor chairman at chief executive officer, nitong Huwebes na pinakamataas ang kita ng gaming regulator noong nakaraang taon sa kasaysayan nito, lampas sa naunang record noong 2019.

“We are proud to announce that our 2024 financial performance is the best so far in the history of Pagcor, and we thank our employees and stakeholders for making such achievement possible,” pahayag ni Tengco.

Tumaas din ang net operating income ng Pagcor, umabot sa P84.97 bilyon, mas mataas ng 51 porsyento mula sa nakaraang taon.

Ang E-Games at E-Bingo sectors ang pinakamalaki ang naiambag sa kita, nagbigay ng P48.79 bilyon, o 50.03 porsyento ng kabuuang gaming revenue.

“The continuous growth of the E-Games sector is the key driver of Pagcor’s record-breaking performance,” pahayag ni Tengco. “It reflects the increasing popularity of digital gaming platforms and the transformative impact of technology on the industry.”

Nag-ambag naman ang licensed casinos ng P33.07 bilyon, habang nag-ambag ang Casino Filipino venues ng Pagcor ng P12.67 bilyon.

Sa kabila ng pagtigil ng operasyon noong Disyembre 2024, nakapag-ambag pa rin ang Philippine offshore gaming operations (POGOs) ng P2.99 bilyon sa kita.

Sa pagtaas ng kita, umakyat din ang kontribusyon ng Pagcor sa nation-building initiatives sa P68.20 bilyon, mas mataas ng 37.61 porsyento mula noong 2023.

“Our 2024 revenues allowed us to support more government programs and other nation-building initiatives,” dagdag ni Tengco. RNT/SA