Home METRO Senior na PWD dedo, 4 sugatan sa sunog

Senior na PWD dedo, 4 sugatan sa sunog

MANILA, Philippines- Patay ang isang babae at apat pa ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Muntinlupa noong Jan. 30. 

Sa ulat, sinabi ng Muntinlupa City Fire Station na nagsimula ang sunog bandang alas-10:20 ng umaga mula sa isang bahay sa Marquez Compound, Putatan Itaas, Summitville sa Barangay Putatan, matatagpuan sa likod ng F. De Mesa Elementary School. Agad kumalat ang sunog sa mga katabing bahay.

Itinaas ng mga bumbero ang first alarm ng alas-10:26 ng umaga na sinundan ng second alarm ng alas-10:39 ng umaga bago ito naapula pagsapit ng alas-11:09 ng umaga.

Patay ang isang 75-anyos na babae, isang person with disability, sa insidente. Apat na indibidwal din ang sugatan.

Sinabi ng fire station na 15 kabahayan ang nasagul ng sunog, kung saan 15 pamilya o halos 45 indibidwal ang apektado. Aabot naman sa P750,000 ang pinsala mula sa pagliyab.

Iniimbestigahan na ang mitsa ng sunog. James I. Catapusan