Home NATIONWIDE Pagdaan ng Japanese warship sa Taiwan Strait tinawag na ‘provocation’ ng China

Pagdaan ng Japanese warship sa Taiwan Strait tinawag na ‘provocation’ ng China

123
0

TAIWAN – Tinawag na ‘deliberate provocation’ ng China ang pagdaan ng barko ng Japanese Self-Defense Forces sa Taiwan Strait.

Hinawakan ng Chinese military ang pagpasok “in accordance with laws and regulations,” ayon kay Guo Jiakun, spokesperson para sa Chinese ministry.

Sa ulat kasi, naglayag ang escort ship ng Japanese military na Ikazuchi sa Taiwan Strait nitong Biyernes.

Tumanggi namang magkomento ang Self-Defense Forces ng Japan sa pahayag ni Guo.

Matatandaan na humina ang relasyon ng China at Japan matapos na sabihin ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi noong Nobyembre na ang pag-atake ng China sa Taiwan ay magtutulak ng military response mula sa Japan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here