MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Election (Comelec) na hindi mandatory o sapilitan ang partisipasyon ng mga national at local candidate sa election debates.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang pag-aatas sa mga kandidato na dumalo sa mga debate ay wala pa sa alituntunin dahil pinag-aaralan pa ng Comelec ang konstitusyunalidad nito.
Ayon kay Garcia, hindi mag-oorganisa ang Comelec ng debate para sa May 12 mid term eelctions.
“The Comelec is not conducting these debates, but other groups and organizations. That is really up to them,” sabi ni Garcia.
Gayunman, sinabi ng Comele na ang mga organziers ay dapat siguruhn na alahat ng kandidato ay invited na makilahok sa election debates.
Sinabi ng poll chief, na kahit isang kandidato a hindi dapat ‘excluded’ at aniya dapat lahat ay imbitado.
Noong Linggo, naglabas ang Comelec ng mga alituntunin kaugnay sa pagsasagawa ng poll debate sa telebisyon at radyo upang matiyak ang pagiging patas at neutralidad. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)