Home NATIONWIDE Pagdeploy ng PH Army sa Palawan, nasa planning stage pa rin

Pagdeploy ng PH Army sa Palawan, nasa planning stage pa rin

1
0

MANILA, Philippines – Nananatili sa planning stage ang plano ng Philippine Army na magdeploy ng isang unit sa Palawan, mahigit isang taon matapos ihayag ng Army ang kahandaan nitong magpadala ng karagdagang pwersa sa mga hawak ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Army commanding general Lt. Gen. Donald Gumiran, may plano para sa deployment ngunit wala pa itong tiyak na timeline, lokasyon o tukoy na unit na ipapadala.

“Yes, there was a plan. But again, of course, that’s in the planning stage,” ani Gumiran sa press briefing sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinabi ni Gumiran na ang plano ay alinsunod sa guidance ng Department of National Defense (DND) at bahagi ng mas malawak na defense objectives ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Patuloy din umano ang koordinasyon ng Army sa Philippine Air Force, Philippine Navy at Western Command kaugnay ng planong deployment sa mga isla ng Palawan.

Nauna nang sinabi ni dating Army chief Lt. Gen. Roy Galido noong Hunyo 2025 na handa ang Army na magdeploy ng karagdagang personnel sa mga hawak ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group (KIG).

Siyam na feature sa KIG ang hawak ng Pilipinas: Pag-asa, Parola, Lawak, Kota, Likas, Panata at Patag Islands, gayundin ang Ayungin Shoal at Rizal Reef. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here