Home OPINION PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE WATER WEEK AT WORLD WATER DAY 2026, INILUNSAD

PAGDIRIWANG NG PHILIPPINE WATER WEEK AT WORLD WATER DAY 2026, INILUNSAD

217
0

PORMAL nang binuksan ang Phi­lippine Water Week 2026 sa pa­mamagitan ng isang Water and Gender Exhibit na ginanap sa Central Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Marso 9, 2026.

Pinangunahan ng ba­gong hirang na DENR Sec­retary Juan Miguel T. Cuna, CESO I, ang nasabing kick-off event, kasama si NWRB Executive Director Dr. Sevillo D. David, Jr. sa ribbon-cutting ceremony upang pormal na buksan ang exhibit area. Itinampok dito ang mga booth mula sa iba’t ibang institusyon sa sektor ng tubig, mga ka­­tu­wang na ahensya ng DENR, at mga partner orga­nization

Tampok na Inisyatibo ng NWRB

Sa booth ng National Water Resources Board (NWRB), binigyang-diin ang mga pangunahing progra­ma ng ahensya sa pagbuo ng mga polisiya, regulas­yon, at pagpapatupad ng mga batas sa tubig. Ipinakita rin sa publiko ang maha­lagang papel ng kapwa ka­­babaihan at kalalakihan sa pamamahala ng ating li­kas-yaman.

Nagkaroon din ng mga trivia games kung saan na­tutunan ng mga bisita ang mahahalagang impormasyon, gaya ng:

– Ang lahat ng anyong tubig sa Pilipinas ay pag-aari ng Estado.

– Ang pagkakaiba at kahalagahan ng surface wa­ter at groundwater.

– Ang mga hamon na kinakaharap ng mga kaba­baihan at batang babae sa pagkuha ng malinis na tubig.

Teknolohiya at Konserbasyon

Ipinamalas din sa exhi­bit ang mga makabagong kagamitan ga­ya ng portable desalination equipment (panggawa ng inu­ming tu­­big mula sa tubig-dagat) at ang paglulunsad ng Groundwater Atlas of the Philippines Second Edition (2025) ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Nakilahok din ang mga ma­lalaking kompanya gaya ng MWSS, Maynilad, at Ma­­nila Wa­ter upang isulong ang mga prog­rama sa pagtitipid ng tubig.

Ang pagdiriwang nga­yong taon ay may temang pandaigdig na Water and Gender, na binigyang-diin sa lokal na tag­line na: “Isang Agos para sa Karapatan at Pagkakapantay- pantay.”

Layon nito na paigti­ngin ang kamalayan ng pub­liko sa was­tong pamamahala at konserbasyon ng tu­big habang isinusulong ang pantay na karapatan para sa lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here