Home HOME BANNER STORY Paggamit ng CCG ng water canon vs PCG vessels, hagip sa video

Paggamit ng CCG ng water canon vs PCG vessels, hagip sa video

MANILA, Philippines- Inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga video ng nangyaring pagbobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard at ang umano’y ginawang delikadong maneuvers nito sa barko ng Pilipinas habang patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa isang video, makikita ang CCG vessel na binobomba ng tubig ang direksyon ng PCG vessel habang sa isa namang video ay makikita mismo ang CCG vessel sa harap ng barko ng Pilipinas na nakaharang sa daraanan.

“Such actions by the CCG not only disregarded the safety of the PCG crew and the supply boats but also violated international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), and the 2016 Arbitral Award,” sabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.

Nananawagan ang PCG sa China Coast Guard na pigilan ang mga pwersa nito, igalang ang mga karapatan ng Pilipinas sa eksklusibong sonang pang-ekonomiya at continental shelf, iwasang hadlangan ang kalayaan sa paglalayag, at magsagawa ng naaangkop na aksyon laban sa mga indibidwal na sangkot sa labag sa batas na insidenteng ito,

Noong Linggo, iniulat ng PCG na gumamit ng water cannons ang CCG laban sa kanilang barko patungong Ayungin Shoal para sa resupply mission.

Ang mga sasakyang ito ng PCG ay nag-escort sa mga katutubong bangka na charter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay sa mga tropang militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre. Jocelyn Tabangcura-Domenden