Home NATIONWIDE Paggamit ng magnetic PNP decals, bawal na para iwas-abuso – NCRPO

Paggamit ng magnetic PNP decals, bawal na para iwas-abuso – NCRPO

MANILA, Philippines – Inatasan ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang lahat ng tauhan nito na itigil na ang paggamit ng magnetic PNP logos at markings.

Sa idinaos na flag raising ceremony sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni PBGen Rolly Octavio, Hepe ng Regional Staff, layon ng naturang kautusan na maiwasan ang pang-aabuso at hindi awtorisadong paggamit ng mga sasakyan ng PNP.

Ora mismo ay epektibo ang naturang kautusan at inabisuhan ang lahat na agaran din itong ipatupad sa kanilang mga nasasakupan.

Kasunod nito ay pinaalalahanan din ni Octavio ang kanilang mga tauhan hinggil sa tamang bihis ng isang NCRPO personnel.

Giit ni Octavio, dapat ay isuot lamang ang mga awtorisadong kagamitan ng PNP at iwasan ang mga hindi kailangang aksesorya para presentableng tignan sa tuwing may court hearing o may public appearance. Dave Baluyot