Home NATIONWIDE Paggamit ng retired China-made tanker sa Balikatan, ‘di sinasadya

Paggamit ng retired China-made tanker sa Balikatan, ‘di sinasadya

MANILA, Philippines – “Coincidental”.

Ganito ilarawan ng Phillipine Navy ang pagpili sa decommissioned oil tanker BRP Lake Caliraya para sa ‘sinking exercise’ bilang bahagi ng Balikatan exercises sa pagitan ng mga sundalong pinoy at amerikano ngayong taon.

Ipinhayag ito ni PN spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad bilang tugon sa sinabi ng Tsina na ‘provocative’ ang nasabing hakbang.

Sa April 20 editorial, sinabi ng China’s state-run English newspaper Global Times na ang BRP Lake Caliraya ay itinayo sa Chinese shipyard para sa Philippine National Oil Company (PNOC), tinawag itong “a witness to previous cooperation between China and the Philippines.”

Ang PNOC ang nag-donate ng BRP Lake Caliraya, dating kilala bilang M/T Lapulapu, sa Navy noong 2014.

Subalit, para naman kay PN flag-officer-in-command Vice Adm. Toribio Adaci Jr. wala siyang nakikitang mali sa nasabing hakbang.

“There’s no issue with that. The vessel has been used in the Philippines (for a) long long time so any attachment to China—if ever there’s any—it doesn’t matter at all,” ayon kay Adaci.

Aniya pa, “it is customary to use decommissioned Navy ships in “any ship sinking activity conducted” sa alinmang bahagi ng mundo.

Samantala, dumami ang mga naispatang Chinese Maritime Militia vessels sa WPS habang nagsasagawa ng annual joint military drills ang Pilipinas at Estados Unidos, ayon sa Philippine Navy (PN).

Sa tala ng PN mula Abril 16 hanggang 22. umabot sa 124 na barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), China Coast Guard Vessels (CCGVs) at Maritime Militia Vessels” (CMMVs) na nagkumpulan sa Bajo de Masinloc (mas kilala rin bilang Scarborough Shoal) , PAGASA Island at Ayungin Shoal habang may dalawa hanggang limang barko ang namonitor naman sa iba pang okupadong Isla ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Bago nito, wala pang 80 Chinese vessel ang nakakalat sa WPS.

Ayon pa rin kay Trinidad, hindi normal ang biglang pagdami ng mga sasakyang pandagat ng Tsina sa lugar.

Samantala, nakabantay naman ang awtoridad sa situwasyon doon habang nagpapatuloy ang Balikatan Exercises na nilalahukan ng mahigit sa 16,000 sundalong pinoy at amerikano, mahigit 200 tropa mula Australia at France at mga observers mula 14 pang bansa. Kris Jose