Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, mas titindi pa ang madarama nating init hanggang sa ikalawang Linggo ng papasok na buwan ng Mayo 2024.
Nito ngang nagdaang weekend ay pumalo sa 45-degree Celsius ang nadaramang init sa Metro Manila, ang pinakamataas so far ngayong summer season dito sa National Capital Region.
Kaya alamin na natin ang mga lugar na dapat mag-ingat ngayong araw na ito dahil sa matinding init.
Sa patuloy nga nating pagbabantay sa mainit na panahon batay sa siyentipikong pag-analisa ng ating PAGASA, dapat na mag-ingat ang mga kababayan natin na nasa tatlumpu’t siyam (39) na lugar dahil makararanas kayo ng lubhang mataas na heat index o damang init ng panahon.
Ito ang mga sumusunod na lugar:
– 49°C – Dagupan City
– 47°C – Aparri, Cagayan
– 46°C – Tuguegarao City, Cagayan
– 49°C – Dagupan City
– 47°C – Aparri, Cagayan
– 46°C – Tuguegarao City, Cagayan
– 45°C – Laoag City, llocos Norte. Bacnotan, La Union, Iba, Zambales, Coron, Palawan, Aborlan, Palawan at Pili, Camarines Sur.
– 44°C – Sinait, llocos Sur, Echague, Isabela, Science City of Muñoz, Nueva Ecija, Baler, Aurora, Subic Bay, Olongapo City, San Jose, Occidental Mindoro, Virac, Catanduanes, Iloilo City, Iloilo at Dumangas, Iloilo.
– 43°C – Batac, Ilocos Norte, Diosdado Macapagal International Airport (Clark), Angeles City, Pampanga, Casiguran, Aurora, Puerto Princesa City, Palawan, Masbate City, Masbate, Roxas City, Capiz, Mambusao, Capiz, La Carlota City, Negros Occidental, Guiuan, Eastern Samar, Zamboanga City at Zamboanga Del Sur.
– 42°C – Ninoy Aquino International Airport, Pasay City, Quezon City, Calayan, Cagayan, Bayombong, Nueva Vizcaya, Sangley Point, Cavite, Ambulong, Tanauan, Batangas, Daet, Camarines Norte, Legazpi City, Albay, Catarman, Northern Samar, Catbalogan, Samar at Tacloban City, Leyte.
Pinapayuhan ang lahat na iwasan muna ang paglabas ng inyong mga tahanan o kung kinakailangan ay proteksyunan ang sarili mula sa matinding init mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. Pero ang mga bata, nakatatanda, at may comorbidities, manatili sa inyong tahanan.






