Home METRO Paghahanap ng kalansay sa Taal, itinigil muna

Paghahanap ng kalansay sa Taal, itinigil muna

232
0

MANILA, Philippines – Itinigil muna ang paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero bunsod na rin ng masamang panahon at mga bahagyang pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa Department of Justice (DOJ).

“Operations were temporarily suspended initially due to weather conditions and exacerbated by the minor eruptions,” sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez.

Pero aniya, naka-standby pa rin ang lahat ng unit na kasali sa operasyon.

Sa sandaling gumanda o bumuti ang lagay ng panahon ay agad na ipagpapatuloy ang operasyon.

Sa huling update sa kaso ng mga sabungero kamakailan, ang DNA ng mga kaanak ay wala pang nag-match sa mga labi na nakuha ng PCG divers sa lawa ng Taal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here