MALAYSIA – Ipagpapatuloy ng Malaysia ang paghahanap sa wreckage ng Malaysia Airlines Flight MH370, mahigit isang dekada matapos ang pagkawala nito sa maituturing na ‘most enduring mysteries’ ng aviation industry, ayon kay Transport Minister Anthony Loke.
Ang proposal sa paghahanap sa bagong lugar sa southern Indian Ocean ay ipinasa ng exploration firm Ocean Infinity, na isinagawa ang paggalugad noong 2018.
“We hope this time will be positive, that the wreckage will be found and give closure to the families,” pahayag ni Loke nitong Biyernes, Disyembre 20.
Ang naturang firm ay makatatanggap ng USD70 milyon kung mahahanap nito ang substantive wreckage.
Matatandaan na noong Marso 8, 2024 ay nawala ang Malaysia Airlines Flight MH370 habang bumibiyahe patungong Beijing mula Kuala Lumpur sakay ang 239 katao.
Sa kabila ng malawakang paggalugad sa mahigit 119,140 square kilometers na karagatan, tanging 18 fragments lamang ng eroplano ang narekober na napadpad sa mga baybayin ng iba’t ibang lugar. RNT/JGC