MANILA, Philippines – Nawawala ang dalawang mangingisda sa dagat na sakop ng Barangay Santo Nino, Mulanay, Quezon nitong Huwebes, Disyembre 19.
Kinilala ng pulisya ang mga nawawalang mangingisda na sina Brences Profugo, 23, at Edrian Drio, 16, mga residente ng Barangay Cambuga, ng nasabing bayan.
Ayon kay Carmelita Profugo, ina ni Brences, nangisda ang kanyang anak at si Drio sakay ng motor banca bandang alas-10 ng umaga.
Bigong nakauwi ng bahay ang dalawa dahilan para iulat na ni Carmelita sa mga awtoridad ang pagkawala ng mga ito.
Nagsasagawa na ng search operations ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at Philippine Coast Guard. RNT/JGC