Home NATIONWIDE Paghahatid ng tulong sa mga indigenous people dapat na gawin ng gobyerno...

Paghahatid ng tulong sa mga indigenous people dapat na gawin ng gobyerno – PBBM

284
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paghahatid ng livelihood assistance at government services sa mga indigenous people ang eksaktong dapat na gawin ng gobyerno.

“Lagi kong sinasabi kasi maraming nagte-thank you. Huwag na kayong mag-thank you. Ito yung trabaho namin. Ito lang talaga ang dapat namin ginagawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa IP community sa Zamboanga City, araw ng Biyernes, 28.

“At sige lang, tuloy-tuloy — hindi namin ito ititigil. Hangga’t may buhay, itatrabaho namin ito,” ang pangako ng Pangulo.

“Huwag po kayong nagdadalawang-isip. Kung may kailangan kayo, kung may tanong kayo, magtanong po kayo. Kaya sila nandito upang turuan kayo, upang ipaalam sa inyo ‘yung ating mga serbisyo. Kaya kami nandito,” anito pa rin tinukoy ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na dumalo sa event.

Sa kabilang dako, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay ng P10,000 sa bawat isa sa 500 IP families sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Idagdag pa rito, may 71 pamilya naman ang nakatanggap ng grocery packs na nagkakahalaga ng P3,000 sa ilalim ng Walang Gutom Program; 500 pamilya naman ang nakatanggap ng family food packs; at 100 benepisaryo naman ang nakatanggap ng P15,000 bawat isa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay tumulong naman sa boat registration at pamamahagi ng informational materials, habang ang Office of the City Civil Registry ang nag-provide naman ng libreng verification at certified copies ng civil registry records.

Nagsagawa naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng program orientations at nag-alok ng libreng business name registration; ang National Commission on Indigenous Peoples ay nagpalabas ng Certificates of Confirmation at nagbigay ng konsultasyon ukol sa IP concerns; at ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay namahagi naman ng informational materials.

Ang Department of Health (DOH) ay nagbigay din ng serbisyo at tulong, kabilang na ang medical consultations, hygiene at oral care kits, jerrycans, nutrition counseling, family planning services, at health tests.

Pinadali naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang national ID registration at nagbigay ng updates at retrieval ng transaction numbers sa panahon ng registration, habang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nag-alok ng skills enhancement at libreng grooming services.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nag-provided ng livelihood assistance at registration para sa National Skills Registry Program, habang PhilHealth ay tumulong sa membership registration at Yakap Program.

Bago pa ang caravan, sinaksihan naman ni Pangulong Marcos ang turnover ng 10 fishing boats, kompleto sa accessories, sa mga miyembro ng Maasin Fisherfolk Association sa Sinunuc shoreline. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here