Home ENTERTAINMENT Paghuhubad ni James, inaabangan!

Paghuhubad ni James, inaabangan!

Manila, Philippines – Ilang araw nang nagsususpinde ng mga klase sa mga paaralan, hindi lang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya.

Parang the most na ang two days kada linggo in all levels, mapa-public or private schools.

Walang dapat sisihin kundi ang naitatalang heat index.

At para maiwasan nga ang heat stroke akong the students ay pinag-iingat din sila.

No one is spared from the sweltering heat lalo’t summer na nga.

Maging ang ating mga local celebrities have a tip or two para kahit paano’y maibsan ang init na nanunuot sa ating katawan.

Kinaaliwan nga ang pangontra ni James Reid sa mala-impiyernong init.

Since he knows too well that there’s no way he can defy nature ay nagbahagi siya ng tip.

Sa mga kalalakihang tulad niya lalo’t kung nasa bahay lang naman o pribadong lugar: huwag nang magsuot ng damit!

May nagtanong kasi kay James kung ano ang kanyang summer must-have.

Sagot ni James: “For summer, I don’t like wearing clothes at all!”

Kaya naman alisto agad ang mga netizens kung kailan maiisipang i-flex ni James sa social media ang kanyang litrato in his naked glory!

Sa kanya naman daw nanggaling ang ideyang ‘yon, so he might as well make good his promise.

Sey ng mga netizens, James doesn’t necessarily have to strip his pants down do his knees.

Ang ma-sight lang daw nila ang abs nito with matching armpit reveal ay solved na solved na raw sila.

Hindi naman kaya pumalag si Issa Pressman? Ronnie Carrasco III