Home HOME BANNER STORY Pagiging presiding officer sa impeachment trial vs VP Sara, iginiit ni Cayetano

Pagiging presiding officer sa impeachment trial vs VP Sara, iginiit ni Cayetano

3
0
Nanatili bilang Senate President si Alan Peter Cayetano sa kabila ng umuugong na balitang muling magkakaroon ng palitan ng liderato sa Senado ngayong araw, Mayo 18.Kasalukuyang tumatayo bilang presiding judge si Cayetano sa isinasagawang pag-convene ng impeachment court sa Senado para sa paglilitis ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano nitong Lunes na siya pa rin ang legal na Senate President at siya ang dapat umaktong presiding officer sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang biglaang press briefing sa Senado, sinabi ni Cayetano na kailangan niyang panindigan ang kanyang posisyon dahil umano sa kakulangan ng bilang ng grupong pinamumunuan ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian para baguhin ang rules ng impeachment court.

“As soon as they have 13, walang problema, sila na,” ani Cayetano.

“Pinaglalaban ko hindi yung si Alan Cayetano as Senate president; pinaglalaban ko, ang Senado hindi pwedeng rubber stamp ng Malacañang. Hindi pwedeng hindi independent yung Senate,” dagdag niya.

Iginiit din niya na may mga “iligal” umanong pagbabago sa rules at sesyon ng Senado, at igigiit niya ang kanyang posisyon habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema.

Ayon sa kanya, nagpadala na siya ng liham kay Senate Secretary Jose Luis Montales upang matiyak na tuloy ang impeachment calendar at hindi maaantala ang proseso.

Sa ilalim ng iskedyul, nakatakdang ilabas ang Notice of Pre-Trial sa Hunyo 9, na magsisimula ng pre-trial proceedings.

Samantala, iginiit naman ni Gatchalian na siya ang mamumuno sa impeachment trial bilang Acting Senate President, at maaaring kailanganing muling sumumpa ang mga senator-judge sa ilalim ng kanyang liderato. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here