Home NATIONWIDE Pagkakasama ng PH sa ‘worst countries’ para sa mga manggagawa pinalagan ng...

Pagkakasama ng PH sa ‘worst countries’ para sa mga manggagawa pinalagan ng DOLE

MANILA, Philippines- Binatikos ni Labor Secretary Bienvenido ang pagsama ng Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) ng nangungunang 10 pinakamalalang bansa para sa mga mangaggawa, na sinabing ito ay hindi makatwiran at hindi sumasalamin sa aktuwal na sitwasyon sa bansa.

“Nakakalungkot at hindi katanggap-tanggap ‘yun pong nabanggit na ipinagkaloob na rating ng ITUC sa ating bansa, dahil wala pong..Siguro kayo na rin mismo ang makakapagsabi ay hindi naman sigur ganyan ang akytwal na kalagayan sa ating bansa,” pahayag ni Laguesma sa DzBB kaugnay sa 2024 Global Rights Index ng ITUC.

Kung titingnan aniya ang paliwanag ng kanilang rating ay hindi aniya makatwiran na bibigyan ng rating na 5 ang Pilipinas.

Binigyan ng ITUC ang Pilipinas ng score na 5 sa pinakahuling index na nagsasaad na “habang ang batas ay maaring magsaad ng ilang mga karapatan, ang mga manggagawa ay epektibong walang access sa mga karapatang ito at samakatuwid ay nalantad sa mga autocratic regimes at hindi patas na mga labor practices.”

Binanggit din ng ITUC ang red-tagging at pagpatay sa Filipino labor unionists kabilang ang BPO Industry Employee Network organizer na si Alex Dolorosa at Kilusang Mayo Uno (KMU) organizer Jude Thaddeus Fernandez, na binigyang-diiin na ang pagpatay sa dalawang pomineneteng rade unionists ay bumuo ng “climate of fear and persecution” at pinatahimik “ang sama-samang tinig ng mga manggagawa.”

Kinuwestyon din ni Laguesma ang ulat ng kawalan ng access sa karapatan dahil sa kakulangan ng aksyong ginagawa sa mga kaso.

“Totoo po na mayroong mga kaso at hindi naman po natin ‘yan ipinagwawalang bahala. Pero sa pananaw po namin, ito naman ay mga isolated cases na meron pong hakbangin kaagad na isinasagawa ang atin pong pamahalaan,” giit ng kalihim.

Pahayag pa ni Laguesma, ng mga kaso ay hindi sapat na dahilan para maisama ang Pilipinas sa listahan ng mga pinakamalalang bansa at dapat umanong iberipika ng ITUC ang mga tugon na natatanggap nito mula sa survey na isinasagawa nito kasama ang mga miyembro ng asosasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden