Home HOME BANNER STORY Pagkasawi ng tauhang nahulog sa New Senate Building tinatalupan ng PH Navy;...

Pagkasawi ng tauhang nahulog sa New Senate Building tinatalupan ng PH Navy; imbestigasyon sa Senado inihirit din

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Navy (PN) nitong Biyernes na sinimulan na nito ang sariling imbestigasyon sa pagkamatay ng isa sa civilian kitchen staff nito na nahulog mula sa construction site ng New Senate Building sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Inihayag ni Commander John Percie Alcos, PN spokesperson, nitong Biyernes na ang nasawing staff ay isang working staff sa isa sa dining facilities sa loob ng itinatayong Senate Building.

Aplikante umano ito sa navy. Hindi inilahad ng navy ang pagkakakilanlan ng staff na sangkot sa insidente.

Batay sa mga ulat, nahulog ang staff mula sa north tower ng gusali noong Huwebes ng gabi.

Dumating ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar noong Biyernes ng hatinggabi upang simulan ang kanilang imbestigasyon.

“The Philippine Navy is also conducting a thorough investigation to understand the circumstances surrounding this unfortunate event,” wika ni Alcos.

“We extend our heartfelt condolences to the family, friends, and colleagues of the deceased. The Philippine Navy is ready to assist all those affected by this tragic event and will fully cooperate with law enforcement agencies during the conduct of the investigation,” ayon pa sa opisyal.

Samantala, ipinag-utos ng liderato ng Senado ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng nasabing staff.

Kinumpirma ni Senate spokesperson Arnel Bañas ang insidente batay sa ulat ng on-site security team at Southern Police District.

“We would like to extend our heartfelt condolences to the family and friends of the deceased,” wika ni Bañas nitong Biyernes.

“Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero has been apprised of the incident. He immediately ordered a thorough investigation of the incident and a review of the security protocols in the construction site,” patuloy niya.

“We have instructed security to recheck and tighten control of all entrance and exit points as well as the façade barriers to prevent unauthorized entry and loitering,” ayon pa sa Senate spokesman.

“The Senate is taking this matter very seriously. We extend our full support to the ongoing investigation to find out the actual circumstances surrounding this tragic incident.” RNT/SA