MANILA, Philippines – Napigilan ng mga pulis ang pagkidnap sa dalawang protection agent ng Claver Mining Development Company (CMDC) sa isang pag-atake nang madaling araw sa bayan ng Surigao del Norte nitong Huwebes.
Sinabi ni Claver municipal police chief Lt. Mark Son Almerañez na tumugon sila dakong 12:20 ng umaga sa distress call tungkol sa presensya ng mga armadong lalaki na puwersahang kumukuha ng ilang empleyado ng CMDC sa Barangay Cagdianao.
Ayon sa pulisya dalawa sa mga dinakip na empleyado, isang 29-anyos na lalaki, at isang 51-anyos na babae, ay dinala sa isang naghihintay na transport van habang ang iba ay hindi pinayagang umalis sa lugar ng CMDC.
Kinilala ang mga suspek sa tangkang kidnapping na sina van driver Jason Duyag Yu, 31, residente ng Barangay Taguibo, Butuan City; isang Juanito Ligtas; at dalawa pang hindi kilalang indibidwal.
Sa apat na suspek, si Yu lamang ang kalaunan ay naaresto ng 2nd Surigao del Norte Mobile Force Company sa isang checkpoint.
Labing-apat na iba pa na nagkulong sa mga empleyado ng mining firm ay inaresto rin ng lokal na pulisya.
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .45 na pistola. Santi Celario