Home OPINION PAGKILALA AT PASKUHAN 2026 SA BAGONG INDANG

PAGKILALA AT PASKUHAN 2026 SA BAGONG INDANG

1
0

KAMAKAILAN lamang ay muli na namang tumanggap ng natatanging pagkilala ang bayan ng Indang mula sa DILG SubayBABAYANI Awards 2026. Ito ay nangangahulugan na ang Indang ay Top Local Government Unit Exemplar sa buong Region 4A o CALABARZON.

Ibig sabihin din nito ay mahusay ang pamamahala ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Indang at maayos ang pagpatutupad ng mga proyektong pang imprastraktura.

Naging basehan ang parangal na Top LGU Exemplar sa Region 4A at Top Performer for Most Significant Change ng Indang ng dahil sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad at maghatid ng konkretong pagbabago sa buhay ng mga mamamayan.

Samantala, ang Municipal Local Government Operations Officer Anne Kimberly P. Babaan ay tumanggap din ng pagkilala bilang Top Performer MLGOO, dahil sa kanyang mahusay na pagtuturo at pagtulong sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto sa lokal na pamamahala.

Ang mga pagkilalang ito na tinatamo ng Indang ay malinaw na bunga ng pagpupursige ni Mayor Virgilio “Vergel” Fidel (na kilala rin bilang “Action Man” ng Indang) sa ngalan ng ganap na katuparan ng mga de kalidad na proyektong pang imprastraktura kakambal ang mabilis na serbisyo publiko para sa mamamayan, idagdag pa ang mababait at masisipag na opisyales at kawani ng lokal na pamahalaang bayan na nagkakaisa sa pagsusulong ng katahimikan, kaayusan at kaunlaran tungo sa Bagong Indang.

Sa kabilang banda, patuloy na umaariba ang Indang sapagkat sila ang kauna-unahan sa Cavite na magbubukas ng “Paskuhan sa Bagong Indang 2026” sa ikalawang taon na nagsimula noong nakaraang kapaskuhan ng 2025.

Inaasahang dadagsa na naman ang mga Indangeño at Caviteño at karatig lalawigan sa grand opening nito sa Nobyembre 7, 2026 ganap na 5:30 ng hapon sa harapan ng Indang Municipal Hall.

Tampok dito ang seremonyas ng pagpapailaw ng Giant Christmas Tree, Lights and Decors, Christmas Bazaar, mga perya at rides at magkakaroon din ng fireworks display. Tatagal ito hanggang Enero 9, 2027 at sa loob ng sampung Sabado ay may mga iba’t-ibang pasaya, paligsahan, tugtugan, sayawan at mga sikat na performers sa ngalan ng Paskuhan sa Bagong Indang 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here