Home NATIONWIDE Paglabag sa ilalim ng NCAP mano-manong nirerebyu – MMDA chief

Paglabag sa ilalim ng NCAP mano-manong nirerebyu – MMDA chief

106
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules na ang mga violation na nahuhuli sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ay mano-manong bubusisiin ng mga tauhan nito bago mag-isyu ng ticket.

“Hindi po lahat ng cameras naming may AI, sa EDSA lamang po. Ganunpaman, yung mga may huli ng AI may automatic review po tayo. Mano-mano pong tinitignan yan,” pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes.

“Yung mga na-capture supposedly na violations ay tinitignan po ng ating mga tauhan. Kalimitan po dyan mga deaf-mutes na atin pong in-employ na sila po yung tumitingin kung tama yung pagkaka-capture,” dagdag niya.

Binanggit ni Artes na maluwag ang MMDA, idinagdag na nilalayon ng NCAP implementation na magkaroon ng disiplina ang mga motorista at kumita para na rin sa income generation ng ahensya.

May kabuuang 1,112 traffic violations ang nahuli sa unang araw ng pagbabalik ng NCAP nitong Lunes, base sa MMDA. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here