Home NATIONWIDE Paglago ng remittances ng OFWs bumagal noong Abril

Paglago ng remittances ng OFWs bumagal noong Abril

3
0
MSW

MANILA, Philippines – Bumagal ang paglago ng cash remittances mula sa mga Pilipino sa abroad noong Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes.

Batay sa datos ng BSP, umabot sa $2.7 bilyon ang cash remittances noong Abril, na tumaas lamang ng 2% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Mas mababa ito sa 2.3% growth noong Marso at itinuturing na pinakamabagal na paglago sa loob ng halos tatlong taon.

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Abril 2026, umabot sa $11.4 bilyon ang cash remittances, na katumbas ng 2.6% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Nanatiling pangunahing pinagmulan ng remittances ang United States na may 39.7% ng kabuuan, sinundan ng Singapore na may 7.3% at Saudi Arabia na may 6.4%. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here