Home NATIONWIDE Paglikha ng internal PNP legal office sinisilip ni PBBM

Paglikha ng internal PNP legal office sinisilip ni PBBM

MANILA, Philippines- Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal departmento sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng sinumang police officer.

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.”

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na abogado just to give them advice and it will be internal,” ayon kay Marcos sa isinagawang second command conference ng PNP sa Camp Crame.

Winika pa ng Pangulo na ang mga pulis ay hindi na hihingan pa ng bayad para sa serbisyo ng nasabing legal office.

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Tinuran pa ng Pangulo na ang paglikha sa legal department ay magbibigay-proteksyon sa PNP mula sa impluwensya ng grupo na nangha-harass sa police force.

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” ang sinabi ng Pangulo.

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, siyempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” dagdag pa ng Chief Executive. Kris Jose