Home ENTERTAINMENT Rabiya, na-scam sa IU concert, na-bash!

Rabiya, na-scam sa IU concert, na-bash!

Manila, Philippines- May katwiran naman si Rabiya Mateo nang sabihin niyang hindi lahat ng natitisod natin sa social media ay totoo.

Ito ang aral na gustong ibahagi ng Miss Universe Philippines 2020 matapos maging biktima ng walang patumanggang bashing.

May kaugnayan ‘yon sa pinalabas ng isang netizen tungkol sa astang VIP ni Rabiya at ng nobyong si Jeric Gonzales nang manood ng concert ng Korean pop star na si lU.

Depensa ni Rabiya, hindi raw porke celebrity sila’y may lisensya na silang mag-demand ng VIP treatment.

Tulad ng pangkaraniwang law-abiding citizen daw ay nakita naman ng ibang mga kababayan natin na disiplinado silang pumila noong magtanghal din dito ang Coldplay at si Ed Sheeran.

Napatunayan din kasing gawa-gawa lang ng netizen ang kanyang post na pinatulan naman agad ng mga kapwa netizens.

Ang hindi nga alam ng marami’y na-scam pa sina Rabiya at Jeric the first time they tried to buy the tickets.

Kung saan-saan daw sila naghagilap where to get the tickets.

Ang masaklap: after spending P12k for each ticket (bale P24k sila ni Jeric) ay doon na nagkaaberya.

Nagpapasalamat si Rabiya sa mga ushers na itinatalaga sa IU concert for showing them their seats.

Pero iginiit niyang muli, hindi siya ang tipo who’ll demand preferential treatment just because artista siya.

Samantala, inamin ni Rabiya how she sorely misses hosting Tiktokclock.

Balita kasing tinanggal siya sa nasabing morning show.

Sana raw ay makabalik siya, that is, kung welcome pa rin siya doon. Ronnie Carrasco III