MANILA, Philippines – Inihain ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang Senate Bill No. 2995, na naglalayong lumikha ng Talampas ng Pilipinas Oil Corporation (TPOC).
“Creating the TPOC is the first step towards reducing our country’s dependence on costly imported fuel, and building our own upstream oil industry. We can harness the Talampas ng Pilipinas to help provide our energy and development needs,” sabi ni Tolentino.
“This vast, untapped and unexplored region will be the hope for our country’s perennial energy deficit,” dagdag ng senador na tumutukoy sa resource-rich region, na ang mapa ay opisyal na idineposito ng Pilipinas sa mga talaan ng International Seabed Authority noong Marso 27.
Kumpara aniya sa Malampaya gas field sa Palawan, ang ‘Talampas’ ay higit na malawak at mayaman sa resources. Binubuo ito ng 24 milyong ektarya ng undersea features, kabilang ang 13.5-million hectare outer section.
Sa kanyang explanatory note sa SB 2995, nagbigay si Tolentino ng snapshot ng estado ng sektor ng langis sa bansa, tulad ng sumusunod:
• Nag-aangkat ang PH ng humigit-kumulang 170 milyong bariles ng krudo at produktong petrolyo taun-taon upang matugunan ang mga pangangailangan nito sa enerhiya.
• Kabilang sa mga pangunahing tagapagtustos ng PH ang Saudi Arabia (tinatayang 80 milyong bariles) at Kuwait (40 milyong bariles); at
• Ang natitirang import ng PH ay nagmumula sa kalapit na Malaysia at Indonesia (sama-sama, 30 milyong bariles), at Russia (20 milyong bariles).
Sa gitna ng malaking pangangailangan nito sa langis, binanggit ni Tolentino na ang domestic crued production ay nananatiling katamtaman, na may average na halos 23,000 barrels kada araw.
“This comes primarily from the Galoc oil field in the offshore Palawan basin,” ayon sa senador.
Sa taong ito, sinabi ni Tolentino na aabot sa 200 million barrels ang ating demand sa petrolyo. Ngayong sumampa sa record high levels ang presyo ng langis sa buong mundo, direktang apektado ang mga mamimili at industriyang Pilipino, aniya.
“Panahon na para tayo ay kumilos nang desidido upang mabawasan ang pagdepende sa pag-import at palakasin ang seguridad sa enerhiya,” pagtatapos ni Tolentino.
Ang TPOC bill ay kumukumpleto sa SB 2996 na inihain din ni Tolentino, na naglalayon namang likhain ang Talampas ng Pilipinas Development Authority. RNT