MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P816,000 halaga ng shabu mula sa dalawang high-value individual sa buy-bust operation sa Lucena City, nitong Martes, Abril 22.
Sa report ng Quezon Police, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Jose” at “Sherryl” na naaresto ng grupo mula sa provincial police drug enforcement unit matapos makapagbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa undercover operative sa Barangay Isabang, 10:15 ng gabi.
Nasamsam sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 40 gramo, at may estimated Dangerous Drugs Board value na P272,000.
Sa kabila nito, sa umiiral na street price na P20,400 kada gramo ay aabot sa P816,000 ang mga nakumpiskang shabu.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC