Home SPORTS PH water polo junior team bronze sa Malaysia tourney

PH water polo junior team bronze sa Malaysia tourney

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams matapos sumungkit ng bronze medal sa boys’ under-21 team  sa katatapos  na 60th Malaysia Invitational Age-Group Water Polo Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa gabay ni head coach Roi Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ng Serbian mentor at consultant na si Filip Stojanovic, bumalikwas ang Filipino boys squad mula sa magkasunod na kabiguan labans a host Team A (2-20) at Team B (3-11), natapos dominahina ng Indonesian Team A, 17-7 at Indonesian Team B (15-4) para tiyakin ang bronze medal.

Nabitiwan ng Pinoy ang pagkakataong lumaban para sa ginto nang matalo sila sa Singapore, 5-16.

“It was the best finish yet by a Filipino youth team in an international water polo tournament. First medal din po ito ng ating team sa water polo since maka-silver ang ating senior squad sa SEA Games noong 2019,” ani Dela Cruz.

Ang Women’s U24 ay nagkaroon din ng masiglang laro laban sa Malaysia, Hong Kong, at Singapore. Sa kabila ng walang panalo na kampanya, si Julia Basa, isang 17-anyos na UST senior high school student at miyembro ng swimming squad sa UAAP, ang naging unang Pinay na nakaiskor ng goal sa isang water polo competition.

“We doff a hat to our young athletes, these experiences will help them prepare for the upcoming competitions, hopefully in the SEA Age-Group tilt and the SEA Games in December. PAI, under the leadership of President Miko Vargas and Secretary General and Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, also extends our gratitude to the support of the Philippine Sports Commission (PSC Executive Director Anthony),” pahayag ni PAI Executive Director Anthony.

Bukod kay Basa, ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer, at Alex Picardal, habang ang junior boys ay kinabibilangan nina  Kennz Mirael Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag, at Sebastien Castro.

Samantala, sinabi ni Reyes na handa na ang lahat para sa gaganaping MVP-PAI National tryouts para pumili ng mga miyembro ng koponan para sa paparating na Southeast Asian Age-Group Championship sa Teofilo Ildefonso Aquatic Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Ang tatlong araw na kompetisyon na nakatakda sa Abril 25-27 ay bukas para sa lahat ng local PAI-member swimmers at Filipino-based abroad na maglalaban-laban para sa 13-under, 14-15, 16-17, at 18-over age group divisions.

Inaasahang mangunguna ang 2014 Asian Age Group Championships gold medalist na si Jamesray Ajido sa kompetisyon sa Kabataang lalaki, habang ang 13-taong-gulang na Vietnam-based na si Hannah White, nakababatang kapatid ng multi-title na si Heather White, ang mangunguna sa  Filipino-foreign competitor.