Home METRO Paglilinis sa mga debris sa quake areas, agad ipinag-utos ng DPWH

Paglilinis sa mga debris sa quake areas, agad ipinag-utos ng DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Pinakilos na ng Department of Public Works and Highways ang kanilang mga tauhan na mag-mobilize ng mga heavy equipment upang alisin ang mga nagkalat na debris sa mga kalsada.

Sa nangyaring 7.8 magnitude na lindol, ilang mga tulay at kalsada ang nasira o bumagsak bunsod ng napalakas na lindol na yumanig sa silang bahagi ng Mindanao noong Lunes ng umaga.

Ayon kay Highways Secretary Vince Dizon, nais nilang masiguro na hindi maantala ang paghahatid ng tulong sa lahat ng lugar na naapektuhan ng malakas na lindol kung saan ang ilang tulay na pansamantalang isinara ay binuksan agad matapos ang ilang pagsusuri. 

Una ng inihayag ng DPWH na umabot na sa humigit-kumulang P1 bilyon ang pinsala sa General Santos City pa lamang matapos ang nasabing lindol. 

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DPWH sa mga local government units para tukuyin ang mga critical na gusali. 

Ito ‘y para magsagawa ng damage assessment, at tiyakin ang kaligtasan ng imprastraktura sa gitna ng posibleng aftershocks. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here