Manila, Philippines – Big deal na maituturing ni Iza Calzado ang kauna-unahan niyang attempt na magluto.
Matagumpay ngang naitawid ng aktres ang pagluluto ng chicken tinola as flexed on her social media account.
Aminado si Iza na nasa bucket list daw niya ito, na matagal na raw niyang gustong gawin pero lagi na lang nauudlot.
Kung hindi pa nga raw siya nagkasakit, Iza would not have found time to cook while being with her family.
Ifinlex nga ni Iza ang maikling video–kalong ang kanyang anak na si Deia–habang nagluluto.
Sey nito sa anak: “You like that…tinola for dinner? Sabaw?”
Tumango naman si Deia.
Looking forward nga si Iza to cooking more dishes kaya nagtanong siya sa mga netizens:
“What’s my next dish?”
May nag-suggest naman that she try cooking sinigang dahil tiyak na magugustuhan din daw ito ng kanyang asawang si Ben Wintle at Deia. Ronnoe Carrasco III