Home NATIONWIDE Pagmamahalan, pagkakaisa mensahe ni VP Sara sa Araw ng mga Puso

Pagmamahalan, pagkakaisa mensahe ni VP Sara sa Araw ng mga Puso

Nanawagan si Bise Presidente Sara Duterte sa publiko na pahalagahan ang pagmamahalan at pagkakaisa ngayong Araw ng mga Puso. Sa isang Facebook post, hinimok ng Office of the Vice President (OVP) ang lahat na ipakita ang malasakit sa pamilya, kaibigan, at komunidad upang makamit ang mas maunlad na bansa.

“Nawa’y bigyan natin ng halaga ang pagmamahalan, pagkakaisa, at patuloy na malasakit sa ating pamilya, mga kaibigan, at komunidad,” ayon sa OVP. Dagdag pa nito, “Sa bawat hakbang na ating ginagawa, ipagpatuloy natin ang mas matibay na ugnayan upang magtagumpay tayo bilang isang bansa.”

Samantala, ginugol ni Duterte ang linggong ito kasama ang kanyang half-sister na si Veronica sa Japan, kung saan binisita nila ang mga templo at iba pang tanawin, batay sa mga larawang ibinahagi ni Veronica sa social media. RNT