Patuloy na minomonitor ni geologist Mahar Francisco Amante Lagmay, executive director ng Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards), kasama ang grupo ng mga researcher, ang epekto ng Bagyong Obet habang palabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Martes, Agosto 25, 2026, mula sa kanilang tanggapan sa UP Diliman.
Samantala, inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P1 bilyon para palakasin ang artificial intelligence-powered flood forecasting capabilities ng Project NOAH. DANNY QUERUBIN
Ayon kay Lagmay, gagamitin ang pondo upang mapahusay ang real-time hazard monitoring at disaster prevention capabilities ng proyekto.
Kabilang sa mga planong paunlarin ang “Bahar” (Baha Augmented Reality), isang smartphone tool na gumagamit ng augmented reality upang maipakita ang tinatayang taas ng baha sa mga aktuwal na kalsada at lugar.
Layunin ng proyekto na makatulong sa mas mabilis na pagtukoy sa panganib ng baha at pagbibigay ng mas napapanahong impormasyon sa publiko at mga awtoridad bilang paghahanda sa mga kalamidad.