Home NATIONWIDE Pagpapababa sa edad ng criminal liability, suportado ng PNP

Pagpapababa sa edad ng criminal liability, suportado ng PNP

264
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III, para sa isang panukalang batas na nagtutulak na babaan ang edad ng criminal liability hangga’t ang panukala ay may scientific basis.

Sinabi ni Torre na ilalabas nila ang kanilang paninindigan sa isyu sa pamamagitan ng pagsulat at pag-sumite nito sa mga mambabatas.

“Actually, this is a hot topic now. The PNP will give its formal stand on this in a written paper. This is one of our legislative agenda that we will give to our Congress so that we can have a voice if the law regarding juveniles is revised,” aniya.

“We do support the lowering of the age of discernment but it should be based on scientific evidence. There are studies that we should consider whether the current age limits are still applicable or whether children’s awareness has become too high due to their access to information.”

Iginiit niya na nangangailangang isaalang-alang ang mga siyentipikong pag-aaral kung saan nakabatay ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act.

“While we support the lowering of the age, there are still scientific studies that we should consider and we leave it to our legislators to make their final decision regarding that matter,” aniya.

Ayon sa UNICEF (United Nations Children’s Fund) Philippines, ang maturity ng utak ay umabot sa humigit-kumulang 16 taong gulang, na nakakaapekto sa pangangatwiran at kontrol ng mga bata.

Ang mga tagapagtaguyod ng planong babaan ang edad ng criminal liability ay naniniwala na ang mga batang nasa siyam na taong gulang ay criminally mature at may kakayahan na sa pag-unawa.

Nauna nang inihain ng Kamara ang mga pagbabago sa batas, kabilang ang pagpapababa sa edad ng criminal liability sa 12 at kahit sa 9 na taong gulang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here