Home NATIONWIDE ‘Pekeng Pinoy’, arestado sa NAIA

‘Pekeng Pinoy’, arestado sa NAIA

187
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na napatunayang nagpapanggap bilang isang mamamayang Pilipino.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na si Chen Zhong Zhen, 60, ay naaresto noong Agosto 21 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Dumating si Chen sakay ng isang flight ng Cathay Pacific mula sa Hong Kong nang harangin siya ng mga frontline immigration officer.

Ang Chinese national ay paksa ng mission order at imbestigasyon mula sa BI, matapos makatanggap ang ahensya ng tip mula sa government intelligence sources hinggil sa umano’y illegally-acquired niyang mga dokumento sa Pilipinas.

Napag-alamang gumagamit siya ng Philippine passport na inisyu noong 2021, at may hawak ng ilang Philippine identity card na nagsasabing siya ay isang Pilipino.

Ngunit nakumpirma ng Alien Registration Division ng BI na tumugma ang kanyang mga fingerprint sa isang Chinese citizen, na dati nang may hawak na long-term visa at Alien Certificate Registration Identity Card.

Si Chen ay naiulat na nagmamay-ari ng mga pangunahing negosyo sa bansa.

“Without naturalization, a foreign national is not eligible to get Philippine citizenship documents,” ani Viado.

“Government intelligence sources have reason to believe that this is another case of assumed Philippine identity, similar to that of Alice Guo.”

Nahaharap si Chen sa kasong deportasyon para sa maling representasyon, at kasalukuyang nakakulong sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here