Home NATIONWIDE Pagpapasinaya sa Pasig Bigyang Buhay Muli Phase 3 naantala sa masamang panahon

Pagpapasinaya sa Pasig Bigyang Buhay Muli Phase 3 naantala sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ang paglulunsad ng Pasig Bigyang Buhay Muli Phase 3 dahil sa masamang panahon.

Nakatakda sana ang naturang event na dadaluhan nina Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos, nitong Lunes, Pebrero 17.

Ayon kay Deputy Social Secretary Dina Arroyo-Tantoco, ang event ay inilipat sa Huwebes, Pebrero 27.

”Your safety and comfort are of paramount importance, and we appreciate your understanding,” ani Arroyo-Tantoco.

”We apologize for any inconvenience this may cause and look forward to seeing you on the new date,” dagdag niya.

Ang Pasig Bigyang Buhay Muli project ay pinasinayaan noong Enero 2024.

Sinabi ni Marcos na ang rehabilitasyon ng Pasig River ay magiging people-centered at community-driven.

Inilipat naman ng tirahan ang mga informal settler sa gilid ng ilog.

Ang showcase area ay may habang halos 500 metro sa likod ng Manila Central Post Office building, ay bahagi ng initial phase ng multi-agency urban renewal project na pinangungunahan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD) at pinangangasiwaan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Azucar. RNT/JGC