Home NATIONWIDE Pagpapatibay ng pundasyon ng bawat pamilya sentro sa ASEAN Socio-Cultural Council 2026...

Pagpapatibay ng pundasyon ng bawat pamilya sentro sa ASEAN Socio-Cultural Council 2026 ng Pinas

177
0

MANILA, Philippines – Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magcha-chair sa 2026 ASEAN Socio-Cultural Community Council, na nakatuon sa pagpapalakas ng pamilya bilang pundasyon ng matatag na rehiyonal na komunidad.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, ang tema ng ASCC meet ay “RISE ASEAN”, kung saan tatalakayin ang kahalagahan ng resilient at empowered families sa rehiyon.

Ang ASCC ay may apat na prayoridad sa ilalim ng RISE – Resilient and empowered families; Inclusive development; Smart youth and innovation; at Environmentally sustainable and food-secure future.

Binigyang-diin ni Dumlao na ang pamilya, bilang pangunahing yunit ng lipunan, ay mahalaga sa pagpapaunlad ng ASEAN at sa pagtulong sa mga miyembrong bansa na makabangon mula sa krisis.

Dagdag pa niya, kabilang sa agenda ang pagpapalakas ng care systems para sa mga bata, lalo na sa mahigit 4,000 batang naghihintay ng pamilya sa Pilipinas mula 2023 hanggang 2025.

Layunin ng DSWD na ilipat ang focus mula sa long-term residential care patungo sa family-based care, gaya ng foster care at kinship care, upang lumaki ang mga bata sa ligtas at maaalagang pamilya.

Ang chairship ng Pilipinas sa 2026 ay nakaayon sa ASEAN Community Vision 2045, sa temang “Navigating our Future, Together”, na naglalayong lumikha ng matatag, dynamic, at people-centered na rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here