Home NATIONWIDE Pagpapatrolya sa WPS magpapatuloy sa kabila ng mataas na presyo ng langis...

Pagpapatrolya sa WPS magpapatuloy sa kabila ng mataas na presyo ng langis – PCG

146
0

MANILA, Philippines – Nakaaapekto na rin sa operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtaas ng presyo ng langis.

Sa kabila nito, sinabi ng PCG na patuloy nilang uunahin ang pagpapatuloy ng operasyon sa West Philippine Sea.

Aminado si PCG for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Rear Admiral Jay Tarriela na kahit may mga hakbang para mas makatipid sa fuel consumption, prayoridad pa rin nila ang ating mga barko at magpapatuloy sa pagpapatrolya sa WPS.

Bunsod ng krisis na nararanasan dahil sa tensyon sa Middle East, pinaigting ng pamahalaan ang pagtitipid sa mga ahensya.

Sa kabila nito, nakatakdang samahan ng PCG ang “Atin Ito” civilian flotilla sa Abril upang igiit ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na bahagi ng inaangkin ng China sa kabila ng desisyon ng pandaigdigang arbitral tribunal na pumapabor sa Manila.

Sa nakaraang convoy, nahirapan ang Chinese convoy na pigilan ang layunin ng mga Pilipino na marating ang mga maritime features na kanilang target.

Ang pinakabagong hakbang ng PCG sa West Philippine Sea ay nangyari ilang araw matapos aminin ng ahensya ang data breach na naglantad ng impormasyon tungkol sa ilang operational staff.

Nilinaw ng PCG na walang sinadyang paglalantad mula sa kanilang tauhan, kundi nakuha ang impormasyon ng isang malapit na kakilala sa pamamagitan ng casual na pag-uusap.

Ngayon, obligado ang mga tauhan ng PCG na dumaan sa mga kurso upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here