Home NATIONWIDE Matadero nahaharap sa reklamo sa pagpalo ng baseball bat sa 2 aso

Matadero nahaharap sa reklamo sa pagpalo ng baseball bat sa 2 aso

143
0

MANILA, Philippines – Mahaharap sa reklamo ang isang matadero sa Maynila matapos niyang hampasin ng baseball bat ang dalawang aso ng kanyang kapitbahay.

Ayon sa ulat, nakunan sa CCTV ang nangyaring insidente sa isang eskinita sa Tondo, Maynila.

Makikita sa video ang isang aso na tumakbo papasok ng bahay matapos itong masaktan.

Habang ang isa pang aso ay inulat na namatay agad matapos tamaan ng baseball bat.

Sinasabing hinabol ng butcher ang mga aso dahil sa umano’y dumumi at umihi ang mga ito sa harap ng kanyang bahay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here