Home NATIONWIDE Pagpapatuloy ng AKAP ilalaban ng Kamara para sa 4M beneficiaries

Pagpapatuloy ng AKAP ilalaban ng Kamara para sa 4M beneficiaries

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang pagpapatuloy na mapondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng 2025 national budget.

Ayon kay Romualdez, nasa 4 milyong Pinoy ang nakikinabang sa programa maya naman malaking kawalan ito sa maraming Filipino.

“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty,” ani Speaker Romualdez.

Ang AKAP ay programa na inisyatibo ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez.

Ito ay nagbibigay ng one-time cash assistance na mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ang kita ay mababa sa poverty threshold at walang ibang ayudang tinatanggap mula sa gobyerno.

Batay sa datos nasa P26.7 billion ang pondo ng AKAP sa ilalim ng 2023 budget, sa nasabing halaga ay ₱20.7 bilyon na ang napakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon.

Kabilang dito ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga rehiyon ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas.

“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Romualdez.

Hinimok ni Romualdez ang Senado na pag-isipang muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP na sya din panawagan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza